30

Ang pagsusulat ko rito ay pamamaalam ko sa 20’s. salamat at nairaos ako ang dekadang ito na masasabi kong pinaka-challenging na nangyari sa buhay ko. Sa edad na ito actually excited ako na malungkot. Kasi nga sa 20’s ang peak ng kabataan. Sa 30’s naman ang pagiging adult. Excited dahil nararamdaman ko na ang pagiging adult ko. At sa malungkot dahil di na ako bata. Ang dami nang nagbago sa buhay lalo na nitong nakaraan lang. Ang dami ko nang kakilala rito sa subdivision naming. Nakilala ko ang mga kabataan dito. Salamat sa mga nakilala ko. Alam ko panandalian lang ito dahil bakasyon pero itong mga taong ito ang nag-alis ng boredom ko sa loob ng bahay. Na-realize ko na may tao at laro naman na nagaganap sa labas ng bahay namin na kailangan ko at ng pisikal na pangangatawan ko. Pero kailangan ko pa rin mag-diet kung gusto ko talagang pumayat. Pangarap ko talaga na maging matured na tao. Alam ko sa edad na ito matututo na ako mag-mature. Pangarap ko na mag-handle ng friendship na matured. Marami akong nais landasin sa period na ito ng edad ko. Job security. May maipundar, matured relationship at iba pa. Ito ang mga bagay ang nais ko ma-achieve. Salamat at naabot ko itong edad na ito.

Grammy Bet 2015

Happy New Year! Kahit hindi nominado si Mariah ngayong taon. Heto ang mga bet ko sa Grammy ngayong taon.

Record of the Year

Chandelier” – Sia

  • Greg Kurstin & Jesse Shatkin, producers; Greg Kurstin, Manny Marroquin & Jesse Shatkin, engineers/mixers; Emily Lazar, mastering engineer

Album of the Year

  • Beck Hansen, producer; Tom Elmhirst, David Greenbaum, Florian Lagatta, Cole Marsden, Greif Neill, Robbie Nelson, Darrell Thorp, Cassidy Turbin & Joe Visciano, engineers/mixers; Bob Ludwig, mastering engineer

Song of the Year

Best New Artist

Sam Smith

Pop

Best Pop Solo Performance

Best Pop Duo/Group Performance

Dark Horse” – Katy Perry feat. Juicy J

Pangako ng Isang Pag-ibig

(Ika-4 na bahagi)

Araw ng mga Patay. Ito na siguro ang pinakamalungkot na araw ni Jeremy. Bibisitahin niya kasi ang puntod ni Himig. Ang kababata niyang babae na kasama niya sa pag-awit na namatay noong 13 taong gulang ito sa isang aksidente. Ayaw ni Jeremy ang araw na ito. Ayaw niya maalala si Himig.

Nagiging emotional si Jeremy kapag tumutugtog ito o umaawit. Naalala niya kasi si Himig. Noong bata sila hindi lang ito kasama sa pagkanta, pati sa paglaro at pag-aaral kapiling niya rin ito. Hindi ito alam ni Chico. Ang alam ni Chico, walang babae na nakapiling si Jeremy. Papunta na si Jeremy sa puntod ni Himig sa Araw ng mga Patay. Hinahanap siya ni Chico. Hindi niya sinasagot ang cell phone. Kapag ganito, naiinis na agad si Chico. Pag-ring ng cell phone. Tinignan ito ni Jeremy, hindi niya sinagot. Anim na taon na itong ginagawa ni Jeremy. Nais niyang sabihin sa namayapang kaibigan na nasa kolehiyo na siya, na Speech Comm ang kinuha niya, na umaawit siya sa mga nangangailangan. Na kapiling pa rin niya ang gitara, tambol at piano sa tuwing aawit ito.

Pagpunta ni Chico sa bahay ni Jeremy, wala ito sa bahay. Tinanong niya ang nanay ni Jeremy at inamin naman ito na nasa sementeryo si Jeremy para bisitahin ang namatay na kaibigan. Inalam ni Chico kung sino si Himig sa buhay ni Jeremy. Doon nalaman ni Chico ang matagal na samahan nila ni Himig. Nahihiya si Chico na malaman niya ito. Doon niya naramdaman na mas dapat niyang mahalin si Jeremy.

Malalim ang samahan ni Himig at Jeremy. Childhood friends’ sila. Parehas sila ng paaralan na pinasukan. Kung may Miles si Chico, may Himig si Jeremy. Sabi ni Jeremy noon na si Himig ang bestfriend niya. Nakakalimutan nito ang ibang kaibigan at si Himig lang ang kasama. Palagi rin silang sabay umaawit sa mga children’s party. Si Himig ang nagtuturo kapag mali ang gamit ni Jeremy sa musical instruments.

Sa puntod ni Himig, binalikan ni Jeremy ang mga panahon na magkasama sila.

“Missed na kita Himig. Sinisikap ko na lang ang sarili ko na umawit. Missed na missed na kita,” wika ni Jeremy. Pagpatak ng malakas na ulan, ayaw pa rin umalis ni Jeremy sa puntod ni Himig. .

Nang mabasa ito sa ulan, naramdaman na lang niya nang biglang yumakap sa kanya ng mahigpit. Sino kaya ang yumakap sa kanya? Biglang dumating si Bogart. Mula siya sa sinasabi ng isang lalaki na hindi kilala.
– Abangan ninyo ang mga bagong karakter sa ika-5 kwento. Mga bagong artista na magmumulat sa mata ni Chico at Jeremy.